Para sa Hopeless Romantic ni Marcelo Santos III

Para sa Hopeless Romantic ni Marcelo Santos III

Basahang Breezy To Be Hopeless No More

(Review ng Para sa Hopeless Romantic ni Marcelo Santos III)

Ang unang nobela ni Marcelo Santos III na Para sa Hopeless Romantic ay parang ‘yung mga taong masasabing crush ng bayan sa high school at maging sa college. Popular, pinag-uusapan, kinagigiliwan ng buong campus. Ang pagbabasa ko ng nasabing nobela ay gaya rin ng pagtingin ko rin sa mga crush ng bayan: hindi nila ako madaling mahahalina gaano man kaakit-akit  ang kanilang mga ngiti.

Ngunit darating ang punto na pilit mo man itong iwasan, di mo rin naman matatakasan, dahil ito na rin ang laging nasa bibig ng mga classmate mo. Di mo man nais sumali sa usapan, mapapasali ka na rin dahil si crush ng bayan ang pinagkukuwentuhan. Lagi. Sa tuwing magkakatagpo kayo. Labag man sa iyong damdamin, hindi mo rin naman mapipigilang usisain kung sino nga ba itong pa-charming-charming na ‘to.

Ganoon naman di ba, masasabi mo lang na gusto o ayaw mo sa isang bagay kung aalamin mo talaga.

Ganito ang pagtingin ko nang basahin ang Para sa Hopeless Romantic, na sa totoong lang ay wala naman akong balak basahin, kung di lang dahil sa tulak ng pagkakataon. Hindi naman dahil gusto na ng ilan ay gusto mo na rin agad, di ba? Ika nga nila, there’s no harm in trying, at least.

Ang kuwento ng nasabing nobela ay umiikot sa buhay ng mga karakter patungo sa kanilang journey to forever. Kinatatampukan ito ng limang tao na pilit na lumalaban sa masalimuot na mundo ng pag-ibig: sina Maria, Ryan, Becca, Nikko, at Faye. Kahit man nasaktan sa kani-kanilang landas upang makamit ang ultimate goal na magmahal at mahalin in return, pilit pa rin sila sa pakikipaglaban upang magwagi o makakuha kahit lamang kakarampot na ligaya o tagumpay sa larangan ng giyera ng mga puso.

Sa pagtuklas ay doon mo malalaman ang charms (so far) ni darling of the crowd. Sa pagbabasa ay roon ko rin nalaman kung bakit gusto ito ng karamihan, lalo na ng target market nito ng mga kabataang madaling nakaka-relate sa paglalakbay patungo sa pinapangarap poreber ng mga karakter sa nobela. Hindi rin stressful basahin ang aklat, kaya keri lang. Minsan nga lang sa sobrang palangiti ni crushie ng bayan, mapapansin mong nakakaumay din naman pala ang mukha niya. Sa sitwasyon sa nobela, di mo rin maiwasang mag-eye roll na, bukod sa pangamba na mawalan ng upuan sa classroom at mahuli sa klase, sa part-time job, o sa kung ano pa mang kanilang appoitment sa kalakhang ruta ng Maynila-Cubao, 24/7 atang nag-aalala sa kani-kanilang inaasam at naudlot na pag-iibigan ang mga karakter. Sinasampal ko na lang ang sarili ko at itinutoktok sa kukute na romance novel pala ang binabasa ko. Ngek!

Hindi naman lahat ay negatrons na sa nobelang ito, ‘no. Kung may nagustuhan ako sa Para sa Hopeless Romantic masasabi ko ito ‘yung pagkakatahi ng kuwento ng mga karakter na kudos na rin kay Marcelo considering na first-time novelist siya. Isa rin ang nobelang ito (along with Diary ng Panget and other like books) sa masasabing nagbigay ng legit cred sa Wattpad writers, kaya dumarami na rin ang tribo ng mga manunulat na ito lately; patunay d’yan kaya binabaha ang bookstores sa ngayon ng kanilang masterpieces. At biro mo pa, naging pelikula ito, ha. Not bad talaga. Pero dude, di pa rin talaga ako maka-get over sa ilang loophole sa plot, to think na na-edit at binigyan pa ito ng extended version. Ay, first-time novelist nga pala! Sarreh nah, fwends.

Siguro ganoon lang talaga sa buhay, kanya-kanyang level lang ng kilig. Kaya I can’t find something different to make me go head over heels kay crushie ng bayan. Kaya there are some books that may make you croon or make you cringe. Walang masama doon, promise. Ang masama lang ay breaking up with your minamahal for the shallowest of reasons kasama ng kawalan ng tapang sa hindi mapaninidigang pag-ibig. *shudders*

‘Yon lang.

Kthnxbye.

 

_________________________
Detayle ng Aklat:
Nilathala ng Viva Psicom Publishing
(Paperback, First Printing 2014)
191 Pahina
Binasa: Disyembre 01-08, 2015
Rating:
Three Skulls Rating

One thought on “Para sa Hopeless Romantic ni Marcelo Santos III

  1. Pingback: Panayam with Marcelo Santos III | Dark Chest of Wonders

Feel free to post any of your thoughts, comments, and reactions.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s