
Kung ihahalintulad sa mga nauna niyang aklat, iba ang atake ng In Sisterhood. Simula pa lang hahamunin na nito ang iyong pagtingin sa kung paano nga ba ang nararapat na paraan para isulat ng isang may-akda ang kanyang memoir. Mantakin mo kasi, imbes na diretsong ang manunulat ang maglalahad sa kanyang pinagdaanang buhay, dito’y ang tauhan ng may-akda ang nagpupumilit na isulat ang talambuhay ng lumikha sa kanya. Pihado, may hagod ng post-modernism ang akdang ito! Continue reading