Sixty in the City ni Lualhati Bautista

Umiikot ang Sixty in the City ni Lualhati Bautista sa buhay ng magkakaibigan na Guia, Roda, at Menang. Mga asawa at ina silang nagsisimula sa panibagong yugto ng kanilang buhay: ang pagtuntong sa edad sisenta. Magkawangis man ang kanilang tungkulin bilang ilaw ng tahanan, kinakaharap man ang kanya-kanyang mga suliranin, may mga katuparan pa rin silang nais para sa kanilang sarili. Continue reading

Bulaklak sa City Jail ni Lualhati Bautista

Ang Bulaklak sa City Jail ay tungkol kay Angela Guttierez, isang waitress sa isang beer garden, nang siya’y makulong sa salang nabigong pagpatay nang kanyang masugatan ang may-bahay ng kanyang kalaguyo. Sentrong paksa sa kuwento ang katiwaliang nagaganap sa loob ng kulungan (ng mga panahong iyon), mali at minamadaling paghawak sa kaso ng mga bilanggo, at ang mabagal na sistema ng pambansang hukuman. Continue reading

In Sisterhood – Lea at Lualhati ni Lualhati Bautista

Kung ihahalintulad sa mga nauna niyang aklat, iba ang atake ng In Sisterhood. Simula pa lang hahamunin na nito ang iyong pagtingin sa kung paano nga ba ang nararapat na paraan para isulat ng isang may-akda ang kanyang memoir. Mantakin mo kasi, imbes na diretsong ang manunulat ang maglalahad sa kanyang pinagdaanang buhay, dito’y ang tauhan ng may-akda ang nagpupumilit na isulat ang talambuhay ng lumikha sa kanya. Pihado, may hagod ng post-modernism ang akdang ito! Continue reading