Panayam with Mervin Malonzo

Tabi Po Komiks

Initially, the discussion for Tabi Po by Mervin Malonzo by Pinoy Reads Pinoy Books’ boook of the month for November was supposed to take place this December. There were some unseen snags in the planning, however, that we decided to schedule the meet and greet with the author earlier next year. Making good on his word about a probable meetup with our group before the year ends, we finally had the opportunity to chat with him just this Saturday. Continue reading

Tabi Po: Isyu 2 ni Mervin Malonzo

Tabi Po 2 - Thumb

Kung ang unang isyu ay pasilip lamang, ang ikalawang isyu ng Tabi Po ay isa nang pagsangkot nang buong-buo sa papalawak na mundong iniinugan ng mga tauhan at sa pagkakaugnay ng kanilang mga buhay sa panahong lipos ng ligalig at pagkalugami. Magsisimula ang ikalawang yugto ng Tabi Po sa kuwento ni Salome at kung paano siya makatatakas mula sa galamay ng mga taong yumurak at pinagsamantalahan siya. Continue reading

Tabi Po: Isyu 1 ni Mervin Malonzo

Tabi Po: Isyu 1 - Book Review

Lunduyan ng Tabi Po ang masining na pagkakadibuho ni Malonzo, at di malayong maihahambing na waring ipininta ang bawat panel ng komiks; may angking daloy at sining ang pagkakawarat ng mga laman, ang pagwakwak ng mga leeg, ang tilamsik ng dugo. Ang estilo na rin ng kanyang pagguhit ang masasabing puwersa magigiit sa mambabasa na buklatin pa ang mga pahina upang tunghayan ang buhay ni Elias kung paano makikitungo sa mga tao at sa patuloy pang pagtalos sa kanyang sarili bilang isang aswang. Continue reading

Si Janus Silang at ang Labanáng Manananggal-Mambabarang

Janus Silang Book 2

Sa pagbubukas ng Janus Silang at ang Labanáng Manananggal-Mambabarang ay muli tayo nitong inaanyayahan sa mundong punó ng kababalaghan, misteryo, at pantasya. Continue reading

Si Janus Sílang at ang Tiyanak ng Tábon ni Edgar Calabia Samar

Janus Silang - book cover

Pinatutunayan lang ng akdang ito ang mayamang tradisyon ng ating panitikan; na maaari itong gamitin para sa mga makabagong kuwentong naangkop sa ating modernong panahon at bigyan ito ng makabagong panlasa, ilahad ito sa nakakapukaw, naiibang paraan, na tiyak na kagigiliwan ng mga mambabasa. Continue reading