Tabi Po: Isyu 2 ni Mervin Malonzo

Tabi Po 2 - Thumb

Kung ang unang isyu ay pasilip lamang, ang ikalawang isyu ng Tabi Po ay isa nang pagsangkot nang buong-buo sa papalawak na mundong iniinugan ng mga tauhan at sa pagkakaugnay ng kanilang mga buhay sa panahong lipos ng ligalig at pagkalugami. Magsisimula ang ikalawang yugto ng Tabi Po sa kuwento ni Salome at kung paano siya makatatakas mula sa galamay ng mga taong yumurak at pinagsamantalahan siya. Continue reading

Tabi Po: Isyu 1 ni Mervin Malonzo

Tabi Po: Isyu 1 - Book Review

Lunduyan ng Tabi Po ang masining na pagkakadibuho ni Malonzo, at di malayong maihahambing na waring ipininta ang bawat panel ng komiks; may angking daloy at sining ang pagkakawarat ng mga laman, ang pagwakwak ng mga leeg, ang tilamsik ng dugo. Ang estilo na rin ng kanyang pagguhit ang masasabing puwersa magigiit sa mambabasa na buklatin pa ang mga pahina upang tunghayan ang buhay ni Elias kung paano makikitungo sa mga tao at sa patuloy pang pagtalos sa kanyang sarili bilang isang aswang. Continue reading