Sixty in the City ni Lualhati Bautista

Umiikot ang Sixty in the City ni Lualhati Bautista sa buhay ng magkakaibigan na Guia, Roda, at Menang. Mga asawa at ina silang nagsisimula sa panibagong yugto ng kanilang buhay: ang pagtuntong sa edad sisenta. Magkawangis man ang kanilang tungkulin bilang ilaw ng tahanan, kinakaharap man ang kanya-kanyang mga suliranin, may mga katuparan pa rin silang nais para sa kanilang sarili. Continue reading

Bulaklak sa City Jail ni Lualhati Bautista

Ang Bulaklak sa City Jail ay tungkol kay Angela Guttierez, isang waitress sa isang beer garden, nang siya’y makulong sa salang nabigong pagpatay nang kanyang masugatan ang may-bahay ng kanyang kalaguyo. Sentrong paksa sa kuwento ang katiwaliang nagaganap sa loob ng kulungan (ng mga panahong iyon), mali at minamadaling paghawak sa kaso ng mga bilanggo, at ang mabagal na sistema ng pambansang hukuman. Continue reading

Panayam with Marcelo Santos III

For the start of the New Year, our book club, Pinoy Reads Pinoy Books, always read something light and easy. That is why for January, we choose to read and discuss the bestselling Para sa Hopeless Romantic by none other than the Hari ng Kilig and one of today’s popular writers, Marcelo Santos III. And at the end, it turns out this initial Panayam for 2016 is more than noteworthy. Continue reading

Para sa Hopeless Romantic ni Marcelo Santos III

Para sa Hopeless Romantic

Ang kuwento ng Para sa Hopeless Romantic ay tungkol sa mga karakter patungo sa kanilang journey to forever. Kinatatampukan ito ng limang tao na pilit na lumalaban sa masalimuot na mundo ng pag-ibig: sina Maria, Ryan, Becca, Nikko, at Faye. Kahit man nasaktan sa kani-kanilang landas upang makamit ang ultimate goal na magmahal at mahalin in return, pilit pa rin sila sa pakikipaglaban upang magwagi sa huli sa larangan ng giyera ng mga puso. Continue reading

Panayam with Mervin Malonzo

Initially, the discussion for Tabi Po by Mervin Malonzo by Pinoy Reads Pinoy Books’ boook of the month for November was supposed to take place this December. There were some unseen snags in the planning, however, that we decided to schedule the meet and greet with the author earlier next year. Making good on his word about a probable meetup with our group before the year ends, we finally had the opportunity to chat with him just this Saturday. Continue reading

Tabi Po: Isyu 2 ni Mervin Malonzo

Kung ang unang isyu ay pasilip lamang, ang ikalawang isyu ng Tabi Po ay isa nang pagsangkot nang buong-buo sa papalawak na mundong iniinugan ng mga tauhan at sa pagkakaugnay ng kanilang mga buhay sa panahong lipos ng ligalig at pagkalugami. Magsisimula ang ikalawang yugto ng Tabi Po sa kuwento ni Salome at kung paano siya makatatakas mula sa galamay ng mga taong yumurak at pinagsamantalahan siya. Continue reading

Tabi Po: Isyu 1 ni Mervin Malonzo

Tabi Po: Isyu 1 - Book Review

Lunduyan ng Tabi Po ang masining na pagkakadibuho ni Malonzo, at di malayong maihahambing na waring ipininta ang bawat panel ng komiks; may angking daloy at sining ang pagkakawarat ng mga laman, ang pagwakwak ng mga leeg, ang tilamsik ng dugo. Ang estilo na rin ng kanyang pagguhit ang masasabing puwersa magigiit sa mambabasa na buklatin pa ang mga pahina upang tunghayan ang buhay ni Elias kung paano makikitungo sa mga tao at sa patuloy pang pagtalos sa kanyang sarili bilang isang aswang. Continue reading

It’s Raining Mens ni Bebang Siy

Kung ang It’s a Mens World ay pagtunghay sa kabataan ni Bebang Siy, ang It’s Raining Mens ay sulyap pa rin sa buhay ng may-akda nang siya’y maging isang dalagang-ina, sa pawarde-wardeng daang tinahak ng kanyang buhay pag-ibig, at ilang isyung kinaharap at patuloy na hinaharap bilang babae sa kasalukuyang lipunan. Tampok din sa aklat ang ilan sa kanyang mga katha gaya ng maiikling kwento, radio drama, at iba pa. Continue reading

In Sisterhood – Lea at Lualhati ni Lualhati Bautista

Kung ihahalintulad sa mga nauna niyang aklat, iba ang atake ng In Sisterhood. Simula pa lang hahamunin na nito ang iyong pagtingin sa kung paano nga ba ang nararapat na paraan para isulat ng isang may-akda ang kanyang memoir. Mantakin mo kasi, imbes na diretsong ang manunulat ang maglalahad sa kanyang pinagdaanang buhay, dito’y ang tauhan ng may-akda ang nagpupumilit na isulat ang talambuhay ng lumikha sa kanya. Pihado, may hagod ng post-modernism ang akdang ito! Continue reading

Si Janus Silang at ang Labanáng Manananggal-Mambabarang

Sa pagbubukas ng Janus Silang at ang Labanáng Manananggal-Mambabarang ay muli tayo nitong inaanyayahan sa mundong punó ng kababalaghan, misteryo, at pantasya. Continue reading

Si Janus Sílang at ang Tiyanak ng Tábon ni Edgar Calabia Samar

Pinatutunayan lang ng akdang ito ang mayamang tradisyon ng ating panitikan; na maaari itong gamitin para sa mga makabagong kuwentong naangkop sa ating modernong panahon at bigyan ito ng makabagong panlasa, ilahad ito sa nakakapukaw, naiibang paraan, na tiyak na kagigiliwan ng mga mambabasa. Continue reading

Firestarter by Stephen King

Charlie McGee’s story is never about destruction and, though she had lost people who were most dear to her, it is neither about tragedy nor defeat. Firestarter is about hope and defiance seen in Charlie, in the survivor and heroine in her against severe injustice and degenerate actions by a nation to its citizen. Continue reading